Balik-Pilipinas na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa kanyang pagdalo sa ika-50 na ASEAN-Japan Commemorative Summit.
Nakarating sa bansa ang pangulo at kani)yang delegasyon 10:38 ng gabi ng Lunes (Dec. 18).
Sa kanyang arrival speech, inihayag ng pangulo ang mga hakbang ng Pilipinas para sa malinis na enerhiya.
Inanyayahan ng pangulo ang mga miyembro ng Asia Zero Emission Community (AZEC) na mamuhunan sa renewable energy ng bansa.
Nag-uwi rin ng dagdag investment pledges si Pangulong Marcos at kanyang delegasyon mula sa meeting kasama ang Japanese business community.
Ayon sa pangulo, mayroong P14.5 bilyong halaga ng investment pledges ang pakikinabangan ng bansa na inaasahang makalilikha ng 15,750 na trabaho.
Ayon kay Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs Frederick Go, mahigit sa 20 kumpanya ang nagbigay ng updates sa pangulo ng kanilang mga pledges simula sa kanyang Japan trip noong Pebrero.
Ani Go, natatamasa na ngayon ng bansa ang mga bunga ng pagbisita ni Pangulong Marcos sa Japan ngayong buwan at noong Pebrero ng taong kasalukuyan.
Sa pagbisita ni PBBM sa Japan ay nagkaroon ng aktuwal na pamumuhunan na humigit-kumulang P169 bilyon.