Muling binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos jr. Ang pangako ng administrasyon na ilapit ang mga serbisyo ng pamahalaan sa mga Pilipino.
Ginawa ng pangulo ang mga pahayag na ito sa kanyang pinakabagong vlog noong linggo, kung saan nagpasalamat siya sa lahat ng bumati sa kanyang kaarawan noong Setyembre 13.
Sinabi ni Pangulong Marcos na pinagsisikapan ng pamahalaan na matiyak na ang lahat ng serbisyo ng gobyerno ay maaabot ng bawat Pilipino.
Sa kanyang kaarawan, inutusan ni pangulong marcos ang Department of Health (DOH) na sagutin ang gastos para sa lahat ng inpatient, outpatient, at emergency services sa 22 pampublikong ospital sa buong bansa sa pamamagitan ng “zero billing.”
Pinalawig din ng Pangulo ang iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan at tulong pinansyal sa mga magsasaka at mangingisda.