Po-protektahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino laban sa lahat ng uri ng harassment at pambu-bully ng mga dayuhan sa Pilipinas.
Ito ang tiniyak ng Malakanyang kasunod nang pagkakaaresto sa russian-american vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy dahil sa pangha-harass ng mga Pilipino para sa social media content.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na malinaw ang mensahe ng pangulo na hindi nito hahayaan ang mga dayuhan na bastusin ang mga pilipino sa sariling bayan.
Ayon kay Usec. Castro, ito ang dahilan kaya mabilis ang naging aksyon ng mga otoridad sa kaso ni Zdorovetskiy.
Muling namang binigyang-diin ni Usec. Castro na bagama’t welcome ang mga turista sa Pilipinas, hindi ibig sabihin nito na pwedeng gawing katatawanan ang mga pilipino at balewalain ang mga batas ng bansa.—ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)