Kinumpirma ng Malacañang na magsisilbing kinatawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Philippine Ambassador to the U.S. Jose Manuel Romualdez sa inagurasyon ni U.S. President-elect Donald Trump sa darating na Enero a-20.
Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Cesar Chavez, nagmula ang imbitasyon sa joint committee on inaugural ceremonies, kung saan inanyayahan ang mga chief diplomat at kanilang mga asawa upang kumatawan sa mga lider ng kani-kanilang estado at pamahalaan.
Samantala, wala pang kumpirmasyon kung bibisita si Pbbm sa Estados Unidos upang makipagpulong kay President Trump sa unang bahagi ng taon.
Una nang iginiit ng pamahalaan ang kahalagahan ng diplomasya sa pagsusulong ng interes ng Pilipinas sa pandaigdigang komunidad. – Sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)