Dinepensahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtatalaga niya kay dating PNP Chief Camilo Cascolan bilang Undersecretary ng Department of Health (DOH).
Kasunod ito ng ibat-ibang reaksiyon mula sa mga kritiko kung saan, hindi umano dapat inilagay ng pangulo si Cascolan bilang undersecretary ng kagawaran dahil wala naman itong naging experience sa serbisyong medikal.
Ayon sa ilang grupo, hindi isang doktor si Cascolan dahil pagpapakita umano ito ng kawalang pagpapahalaga sa kalusugan at kaligtasan ng bawat Filipino.
Sa naging pahayag ng pangulo, alam niyang hindi doktor si Cascolan pero hindi naman isyu sa kalusugan ang kaniyang ibinigay na trabaho.
Naniniwala ang punong ehekutibo na titingnan ng dating PNP Chief ang kakulangan, mga problema, at tungkulin ng DOH sa bansa.