Dumalo si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa misa para sa kanyang yumaong ama na si Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
Kasama ng pangulo ang kanyang ina na si Imelda Marcos, asawa nitong si Liza Araneta-Marcos at kapatid niyang si Irene Marcos kabilang ang kanyang dalawang anak na si Simon at Vincent.
Kasalukuyan namang wala pang inilalabas na karagdagang impormasyon ang Office of the Press Secretary sa pagbisita ng pangulo sa puntod ng kaniyang ama.
Mababatid na inilibing ang dating pangulong Marcos Sr. sa sementeryo ng mga bayani noong November 2016. —sa panulat ni Jenn Patrolla