Dumalo sa state funeral ni dating Pangulong Fidel Ramos sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Naghulog ng isang puting rosas ang punong ehekutibo bilang simbolo ng kanyang huling pagpupugay sa yumaong lider bago tuluyang ilagay sa hukay ang abo ng dating pangulo.
Kasamang nakipaglibing ang mga opisyal ng gobyerno at mga dating opisyal na naging katuwang ni FVR sa kanyang administrasyon, partikular ang kanyang dating miyembro ng gabinete at mga kasamahan sa militar.
Binigyan din ng full military honors ang dating presidente at 21 gun salute, at bago magtapos ang funeral rites ay pinatugtog ng Armed Forces of the Philippines (AFP) composite band ang paboritong kanta ni FVR na “Maalaala Mo Kaya” at Aleta Filipinas of the Katipuneros.
Nagpasalamat naman si dating first lady Amelita “Ming” Ramos sa mga dumalo sa state funeral at sa lahat ng mga nakiramay sa kanilang pamilya.