Inihayag ni Franz Imperial, isa sa namamahala sa paghahanda, nagkaroon ng pagbabago sa gagawing inagurasyon ni President-Elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. bukas, Hunyo 30 at gagamit na ito ng teleprompter.
Aniya mayroong nagpayo sa president-elect na gumamit ng teleprompter para sa outline ng kanyang speech at maging maayos ang sequencing nito.
Nauna nang inanunsiyo kahapon ng kampo ni Marcos na hindi siya gagamit ng teleprompter.
Samantala, bukas ng umaga ay magaganap ang tradisyonal na pagkikita ng paalis na pangulo at ang papalit dito sa Malacañang Palace.