“Good job at great job!”
Ito ang parehong assessment nina Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa unang araw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang Punong Ehekutibo.
“He is doing a good job. He jumpstarted it with Cabinet meetings on daily basis, he is the best salesman of the country. During PGMA’s term, napakaraming investors na pumasok sa eco zones pero after that, wala nang pumasok [na mga investor],” wika ni Zubiri.
Nakakahabol na aniya ulit ang Pilipinas sa pagpaparami ng mga investor dahil sa galing ni Pangulong Marcos matapos mapag-iwanan ang bansa ng mga karatig-bansa sa South East Asia kagaya ng Vietnam.
Para naman kay Romualdez, “great job and a wonderful job” ang ginawa ni Marcos na sa pag-engage aniya nito sa mga “kaibigan” sa international community kung kaya’t darami pa ang mga papasok na foreign direct investments sa Pilipinas.
Inihalimbawa niya ang Singapore na siyang nangungunang source ng mga foreign direct investments na malugod na tinanggap at may magandang pananaw tungo sa administrasyong Marcos.
Ayon kay Romualdez, “very excited” na siya sa mga mangyayari pa sa pamahalaang Marcos.
Maging si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay maganda rin ang assessment sa first 100 days ni Marcos, Jr.
Sinabi ni Arroyo, Senior Deputy Speaker ng 19th Congress, ‘impressive’ ang binuong economic team ni PBBM na haharap sa epekto ng global tension sa Ukraine at Taiwan.
Ipinamalas aniya ng Pangulo ang pagiging kalmado at maalalahanin na lider na tapat sa adhikain nito na maging presidente ng lahat.
Ngayong October 8 ang first 100 days ni PBBM bilang ika-17 presidente ng Pilipinas at siya ang ikalawang Marcos na naging Pangulo ng bansa.
Sinabi ni Pangulong Marcos na ang kanyang mga ipinangako sa eleksyon ay naisaayos na sa kanyang first 100 days sa pagbuo niya ng powerhouse team ng economic advisers, kabilang na rito si Finance Secretary Benjamin Diokno.
Kasabay nito, hinimok naman ni Senador Robinhood Padilla ang mga mamamayan na magkaisa at suportahan kung ano ang tama at iwasto ang mga pagkakamali sapagkat ang tagumpay ng presidente ay tagumpay ng lahat ng mga Pilipino.