Nasa Amerika man para sa 2023 APEC Summit, nakadalo pa rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ginanap na Singapore FinTech Festival (SFF). Ito ay sa pamamagitan ng hologram.
Si Pangulong Marcos ang pinakaunang head of state na nagbigay ng speech gamit ang hologram sa pinakamalaking financial technology event kung saan ipinakita niya ang commitment ng Pilipinas sa digital innovation.
Binigyang-diin din ng Pangulo ang kritikal na papel ng pakikipagtulungan sa domestic at international stakeholders upang maging isang digital innovation and entrepreneurship hub ang bansa.
Nagbibigay ng plataporma ang SFF sa higit na 500 exhibitors mula sa 134 na bansa kung saan pag-uusapan ang pinakabagong trends, opportunities, at challenges sa financial technology.
Nakatuon ang nasabing festival ngayong taon sa pagbuo ng Artifical Intelligence (AI) at ang posibleng paggamit nito sa industriya ng financial services.