Nagsalita na si Pangulong Ferdinand Marcos jr., kaugnay sa mga patutsada ni Vice President Sara Duterte.
Iginiit mismo ng pangulo na nakakabahala ang mga walang pakundangang pagmumura at pagbabanta ni VP Sara.
Dagdag pa ni PBBM, hahadlangan niya ang “Criminal attempts” sa harap ng mga naging pahayag ni VP Sara na may kinausap itong hitman para siya’y patayin, gayundin sina First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez sakaling may masamang mangyari sa kanya.
Bilang pinuno aniya ng executive branch, tungkulin niyang pangalagaan ang konstitusyon at tiyakin ang pagsunod sa mga batas ng bansa.
Sa kabila nito, tiniyak ni PBBM na nakatuon ang pamahalaan sa pagpapatuloy ng mga programa para sa ikauunlad ng Pilipinas.