Nilinaw ng Department of Justice na walang hurisdiksyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para suspindihin si Vice President Sara Duterte.
Kasunod ito ng pahayag ng bise-presidente na pagpatay sa pangulo at kanyang asawa na si First Lady Liza Araneta-Marcos, sakaling siya ang unang mapatay.
Ayon kay Justice Undersecretary Jesse Andres, tanging ombudsman lamang ang maaring mag-suspinde sa pangalawang pinakamataas ng opisyal ng bansa at local government executives lamang ang maaring suspindihin ng pangulo.
Itinalaga ni dating pangulong Rodrigo Duterte si Ombudsman Samuel Martires nuong 2018.
Matatandaang sinabi ni Usec. Andres na maaaring ma-disqualify si VP Sara sa posisyon kung mapapatunayang lumabag ito sa anti-terror law ng bansa. – Sa panualt ni Laica Cuevas