Nasa desisyon na ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. kung gaano kadalas ang gagawing pagharap nito sa mga mamamahayag.
Ito ang tugon ni Press at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Atty. Trixie Angeles nang tanungin kung gaano kadalas ang posibilidad na makausap at tumanggap ng mga tanong ng media si PBBM.
Ayon kay Secretary Angeles, kung may mga usapin na sa tingin ng punong ehekutibo ay nais niyang direktang pag-usapan o buksan sa media ay gagawin ito ng pangulo.
Sa ngayon aniya, hindi nila masasabing regular na haharap sa media si PBBM.