Sa kanyang mensahe para sa opening ceremony ng AgriLink, FoodLink, Aqualink 2023 na ginanap kamakailan, sinabi ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na mahalaga ang pagkakaroon ng strong partnership ng private at public sectors para mapaunlad ang agribusiness ng bansa. Hinikayat din niya ang mga magsasaka na i-adapt ang modern farming practices. Ang mga ito ay hakbang sa patuloy niyang pagsusulong na gawing pro-farmer government ang Pilipinas.
Matatandaang natuwa ang netizens sa paglulunsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, ang pinakamalaking service caravan sa Pilipinas, noong September 23, 2023. Layon nitong magbigay ng pangunahing serbisyo ng gobyerno para sa mga nangangailangan sa iba’t ibang komunidad sa buong bansa.
Dito, namahagi ang Pangulo ng tractors, harvester, hauling trucks, at iba pang makinarya at kagamitan sa sakahan kasama ang Department of Agriculture, Philippine Coconut Authority, Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization, at National Dairy Authority.
Parte ang pamimigay ng mga makinarya at teknolohiyang ito para mas maging mas productive, sustainable, at efficient ang pagsasaka. Bukod dito, sinabi rin Pangulong Marcos Jr. sa ginanap na State of the Nation Address (SONA) noong July 24, 2023 na patuloy na ine-educate ng gobyerno ang mga magsasaka na paggamit ng modern technologies at techniques. Kabilang na rito ang paggamit ng biofertilizers. Ang biofertilizers ay uri ng pampataba na mayroong living microorganisms. Kapag inilagay ito sa buto o lupa, mas tumataas ang fertility rate at plant growth ng mga pananim.
May ipinamahaging fuel at fertilizer discount vouchers ang gobyerno sa mga magsasaka bilang tugon sa tumataas na presyo ng langis at pampataba. May ipinamigay ring vegetable, corn, palay, at coconut seeds.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr. na dapat patuloy na protektahan ang mga pananim para masigurong malusog ang mga ito mula sa banta ng mga peste, sakit, at climate change. Dahil dito, kinakailangan ng mas improved na integrated agricultural practices gaya ng sanitation, fertilization, irrigation, at soil management.
Sinisiguro ni Pangulong Marcos Jr. na patuloy na susuportahan ng pamahalaan ang mga magsasaka, mangingisda, at small and medium-scale agri-business. Aniya, magsisikap ang administrasyon niya upang makamit ang isang matatag na sektor ng agrikultura at matiyak na walang Pilipino ang magugutom sa isinusulong na Bagong Pilipinas.