Inanyayahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Australia na maging katuwang ng Pilipinas sa paglaban sa climate change at pagsulong sa clean energy.
Sa kanyang intervention sa leader’s plenary session sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Australia Summit, ibinahagi ni Pangulong Marcos ang mga pagsisikap na ginagawa ng bansa upang mabawasan ang emission at labanan ang pagbabago ng klima.
Kaugnay nito, muling binigyang-diin ng Pangulo ang alok na Pilipinas na i-host ang Board of the Loss and Damage Fund.
Aniya, magiging daan ito upang mabigyan ng boses ang mga bansang pinaka-apektado ng climate change.