Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang mga ahensya ng gobyerno na tulungan ang mga ordinaryong Pilipino upang mas mapaganda ang kanilang sitwasyon na makakatulong din sa patuloy na pag-unlad ng Pilipinas.
Ayon kay PBBM, kung hindi umano mararamdaman ng taumbayan ang pagbibigay sakanila ng prayoridad, masasayang lang ang pinaghirapan ng pamahalaan kabilang na ang mga hakbang tungo sa magandang ekonomiya.
Sinabi pa ni Pangulong Marcos Jr., na patuloy na nagsusumikap ang kaniyang administrasyon kabilang na dito ang pagpapababa ng bilang ng mga walang trabaho at mapataas ang antas ng mga may trabaho sa bansa.
Tiniyak din ng pangulo ang kahalagahan ng kanilang tungkulin at iginiit na mahalagang maintindihan ng bawat isa ang tunay na kahulugan ng pagtutulungan upang lalong magtagumpay ang pamahalaan at muling sumigla ang bansa sa gitna ng kinakaharap na krisis at pandemiya.