Kilala ang hospitality ng mga Pilipino sa buong mundo.
Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pinakahuling vlog.
Ayon sa pangulo, katangian na ng mga Pilipino noon pa man ang pagiging hospitable o magiliw sa mga panauhin. Kaya panawagan niya, isabuhay at paghusayin pa ito dahil importante itong sangkap patungo sa Bagong Pilipinas.
Isang halimbawa ng pagiging hospitable ay makikita kapag may bumibisitang dayuhang lider sa Pilipinas.
Kabilang sa mga paghahanda ng pamahalaan para sa mga bisita ay ang pagbibigay ng regalo mula sa lokal na tindahan na nakatutulong sa mga maliliit na negosyo.
Ayon kay Pangulong Marcos, dapat maiparamdam sa mga dayuhang lider na mahalaga sila para sa mga Pilipino upang magtuloy-tuloy ang kooperasyon nila sa Pilipinas na sasalamin aniya sa ekonomiya ng mundo.