Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat na magbalik-tanaw sa mga tagumpay noong nakaraang taon.
Ginawa ni PBBM ang panawagan kasabay ng pagbati nito sa mga Filipino-Chinese sa pagdiriwang ng Chinese new year ngayong araw.
Ayon sa pangulo, umaasa siya na ang mga tagumpay ng 2023 ay magpapalakas sa ‘pagnanais at pag-asa’ ng lahat sa pag-angat at pagsulong ng bansa sa mas mataas na antas ngayong ‘year of the wood dragon’.
Kasabay nito, hinimok din ni Pangulong Marcos ang lahat na yakapin ang puso ng Dragon na sumisimbolo sa lakas, tapang at kapangyarihan sa gitna ng anumang posibilidad na magaganap ngayong taon.
Umaasa rin ang presidente na ang mga tagumpay ng nagdaang taon ay magsisilbing ningas para mas maging masigasig at positibo pa ngayong 2024 at mas lalo pang maiangat ang bansa.