Nanawagan si President-elect Bongbong Marcos Jr., sa publiko na makibahagi sa mga hakbang na makakatulong upang maiwasan ang panibagong surge ng COVID-19.
Kaugnay nito, hinimok ni Marcos ang publiko na magpaturok na ng booster dose laban sa nakahahawang sakit.
Binigyang diin ni PBBM na kailangan ng dagdag na proteksyon lalo’t may ilang COVID variants na resistant sa first at second dose ng bakuna.
Sinabi pa nito na dapat ding ipagpatuloy ng publiko ang pagsunod sa minimum health standards upang hindi na lumobo ang bilang ng infections na makakahadlang sa muling pagbangon ng ekonomiya ng bansa.