Hinikayat ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang mga Pilipino na pakinggan ang kaniyang kauna-unahang State of the Nation Adress sa July 25.
Sa facebook post ng Pangulo, inanyayahan nito ang lahat na pakinggan ang plano at mithiin niya para sa Pilipinas sa loob ng anim na taon niyang panunungkulan.
Prayoridad ni Marcos sa kaniyang pamamahala ang pagpapatibay ng programang ‘farm-to-market road’, at pagsusulong ng mga proyektong makatutulong sa mga Pilipinong nasa sektor ng agrikultura.
Matatandaang una rito, sinabi noon ni Finance Secretary Benjamin Diokno na lalamanin ng talumpati ni PBBM ang fiscal framework ng kanyang administrasyon.