Hinikayat naman ng Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) si incoming President Bongbong Marcos na i-prayoridad ang food security sa gitna ng mahinang global environment.
Ipinunto ng PRRM Na ang pagtutok sa pagkamit sa food security sa bansa ay mahalaga habang patuloy na humaharap ang mundo sa mga problemang nakasasagabal sa ekonomiya.
Umaasa si PRRM President Edicio Dela Torre na i-pa-prayoridad ng susunod na adminsitrasyon ang pagsuporta sa local producers upang mapatatag ang supply ng pagkain.
Ang lumalala anyang climate change, lumolobong populasyon, tumataas na presyo ng pagkain at giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine ang ilan lamang sa mga hamong kinakaharap ngayon ng mundo.