Hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., si US President Joe Biden na tumulong sa pagpapababa ng produktong petrolyo sa international market.
Ayon sa Punong Ehekutibo, dapat umaksiyon si US President Biden dahil nakaapekto umano sa global supply ng produkto ng langis, ang naging banta ng America na parurusahan ang mga bansang tumutulong sa Russia laban sa Ukraine.
Sinabi pa ni PBBM na kailangang magkaroon ng long term support ang US para sa Energy Cooperation.
Bukod pa dito, nanawagan din si Pangulong Marcos sa nasabing bansa at mga ASEAN delegates, na suportahan ang paglaban sa Climate Change kung saan, maraming bansa ang nakararanas ng matinding tagtuyot at natural disasters.
Nabatid na base sa pag-aaral ng mga eksperto, ang America ang pangunahing source ng greenhouse gas emissions na nagiging dahilan para maapektuhan ang mga mahihirap na bansa.