Talaga nga namang pinapakinggan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang hinaing ng mga Pilipino. Kamakailan lang, ibinasura ni Pangulong Marcos Jr. ang panukalang pababain ang taripa sa imported rice. Ikinatuwa ito ng mga magsasaka, pati na rin ng mga netizen na suportado ang kabuhayan ng mga magsasakang Pilipino.
Paano ba nakakaapekto ang taripa sa mga magsasaka?
Tara, suriin natin yan.
Recap muna tayo.
February 14, 2019, nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11203 o Rice Tariffication Law. Sa ilalim ng batas na ito, tinanggalan ng regulatory at import licensing issuance functions ang National Food Authority o NFA. In short, bawal na ang NFA mag-angkat ng bigas galing sa ibang bansa. Private sectors lang ang pinapayagang mag-import ng bigas na subject naman sa taripa.
Ang taripa ay buwis na ipinapatong ng isang bansa sa mga produkto at serbisyong inaangkat o ini-import mula sa ibang bansa. In this case, bigas na in-import ng private sectors ang pinapatungan ng taripa o buwis.
Kasalukuyang minimum 35% tariff ang ipinapatong sa imported rice pero kamakailan lang, iminungkahi ng Department of Finance na temporarily pababain ang buwis ng imported rice to 0% or maximum 10% para masolusyunan ang mabilis na pagtaas ng presyo ng bigas.
Hindi pumayag ang Department of Agriculture, na pinapangunahan ni Pangulong Marcos Jr., sa panukalang ito dahil lubos itong makakaapekto sa mga magsasaka.
Kung papababain o tatanggalin ang taripa, mas mae-engganyo ang retailers na mag-import na lang kaysa bumili pa sa mga magsasaka. Giit ni Pangulong Marcos Jr., rice importers lang ang makikinabang sa pagpapababa ng taripa at hindi ang mga magsasakang Pilipino.
Para sa pangulo, hindi ito ang oras na pababain ang taripa dahil panahon naman na ng pag-aani. Ayon pa sa Department of Agriculture, mas maraming ani ang mga magsasaka ngayong taon kumpara noong 2022 kaya siniguro nilang maraming supply ng bigas ang bansa. Inaasahang bababa ang presyo ng bigas sa world market.
Siniguro rin ni Pangulong Marcos Jr. na hindi titigil ang pamahalaan sa paggamit ng kamay na bakal laban sa mga nanabotahe ng ekonomiya gaya ng rice hoarders at smugglers na dahilan kung bakit mahal ang presyo ng bigas.
Ayon sa Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG na si Rosendo So, pabor na pabor para sa mga magsasaka ang naging desisyon ni Pangulong Marcos Jr. na ibasura ang panukalang pababain ang taripa.
Aniya, hangad nilang mapunta sa mga magsasaka ang makokolektang taripa sa imported rice. Sa ilalim ng Rice Tariffication Law, ang kita mula sa taripa ay mapupunta sa Rice Competitiveness Enhancement Fund na gagamitin para sa mga programang naka-focus sa pagtaas ng ani at pagpapalaki ng kita ng mga magsasaka.
Dagdag pa ng SINAG chairman, tinitiyak ng pangulo na magiging stable at hindi bababa ang presyo ng lokal na palay na malaking tulong hindi lang sa mga magsasaka kundi sa mga konsyumer.
Ikaw, ano ang opinyon mo sa panukalang pababain ang buwis sa imported rice?