Ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga nagawa ng kanyang administrasyon para sa mga Pilipino sa taong 2023.
Kabilang sa mga ito ang pagtatatag ng karadagdagang 33 specialty centers, mahigit 2,000 classrooms, at pitong cold chain facilities.
Mayroon ding pumasok na investments para sa renewable energy sector na may total potential capacity na 121,000 megawatts.
Bukod sa mga ito, nakumpleto rin ang walong water supply projects sa bansa. Mayroon namang karagdagang 147 water projects na isasagawa para sa 2024.
Binigyang-diin muli ng Pangulo ang pangako ng administrasyon na tiyakin ang mahusay at mabilis na serbisyo para sa mga Pilipino.
Aniya, New Year’s Resolution ng pamahalaan ang patuloy na pagbibigay ng dekalidad na serbisyo upang mas umunlad ang buhay ng lahat sa taong 2024.