Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang karapatan ng mga mangingisdang Pilipino na makapangisda sa West Philippine Sea (WPS) nang hindi nasasaktan.
Ito’y matapos banggitin ni Pangulong Marcos kay Chinese President Xi Jinping ang kanyang concern sa lumalalang agresyon ng Beijing sa WPS sa sidelines ng ginanap na 2023 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.
Aniya, dapat malayang naisusulong ang kabuhayan ng mga mangingisda sa WPS, lalo pa at nasa loob ito ng exclusive economic zone ng bansa.
Dagdag pa ng Pangulo, nais niyang bumalik sa sitwasyon kung saan nakapangingisda nang mapayapa ang mga Pilipino at Chinese sa nasabing karagatan.
Kasalukuyang nasa “work in progress” pa umano ang pagsisikap na maresolba ang isyu sa South China Sea.