Hangad ng pamahalaan na gawing opsyon na lamang ang pagtatrabaho sa ibang bansa, sa halip na isang necessity o pangangailangan.
Sa 2024 Presidential Awards for Filipino Individuals and Organizations Overseas na ginanap sa Malakanyang, binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na patuloy na isinusulong ng kanyang liderato ang mga reporma sa pamamahala at pag-unlad ng ekonomiya upang makapagbigay ng mas maraming oportunidad.
Sa kabila nito, kinikilala naman ng pangulo ang globalisasyon.
Kaugnay nito, tiniyak ni PBBM na mananatiling handa ang pamahalaan na pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga OFW at kanilang pamilya, sa pamamagitan ng mga programa tulad ng One Repatriation Command Center at Agarang Kalinga at Saklolo Fund.