Iginiit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na hindi na kailangan ng batas hinggil sa mandatory na pagpapabakuna laban sa COVID-19.
Ayon sa Pangulo, dapat na manatili parin ang kalayaan ng mga pilipino na mamili o makapagdesisyon hinggil sa kanilang sariling kalusugan.
Sinabi ni PBBM na sisikapin ng mga tanggapan ng pamahalaan kabilang na ang Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd), at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang muling pagsulong ng malawakang kampaniya para sa pagpapabakuna at pagpapaturok ng booster dose laban sa COVID-19.
Naniniwala si Marcos na malaki ang naitutulong ng COVID-19 vaccines sa pagbibigay proteksyon sa publiko laban sa nakakahawang sakit.