Iginiit mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na masyado pang maaga para pag-usapan ang pagbibigay ng clemency o pardon kay Mary Jane Veloso, ang pilipinang nakulong sa indonesia dahil sa drug trafficking charges.
Sa isang ambush interview sa Pasay City, sinabi ni PBBM na patuloy na pinag-aaralan ng pamahalaan ang kaso ni Veloso.
Gayunman, sinabi ng Pangulo na ang desisyon ay nakasalalay pa rin sa judgement ng mga legal expert kung angkop ito para sa nasabing pinay.
Dagdag pa ng Presidente, walang inilatag na kondisyon ang indonesia upang mapauwi sa bansa si Veloso, kaya’t nasa kamay na ng pamahalaan ang desisyon.