Iginiit mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nananatiling matatag ang pilipinas sa kabila ng mga hamon at ingay sa politika.
Sa media interview sa Malacañang, sinabi ni PBBM na maayos pa ring gumagana ang pamahalaan, kaya’t walang dapat ipag-alala ang publiko.
Nilinaw din ni PBBM na walang nangyayaring loyalty check sa hanay ng pulisya at militar.
Sa katunayan aniya ay hindi niya alam ang ibig sabihin ng loyalty check dahil sa media niya lamang nito narinig. – Sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)