Inaasahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkakaroon ng mas matibay na bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam.
Kasunod ito sa pagbisita ng Ambassador ng Vietnam sa Pilipinas na si Lai Thai Binh na malugod na tinanggap ng Pangulo sa Malacañang.
Ayon kay Pangulong Marcos, inaaasahan niya ang pagtuklas ng dalawang bansa sa iba’t ibang aspeto. Binigyang-diin din niya ang napakaraming oras na pakikipagpulong sa Prime Minister ng Vietnam sa ilang pagtitipon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Sa isang liham, ipinahayag naman ni Ambassador Lai ang mainit at taos-pusong pagbati ng lider ng Vietnam kay Pangulong Marcos.
Matatandaang opisyal na itinatag ang diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam noong July 12, 1976.