Imbitado si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sa World Economic Forum (WEF) sa Switzerland mula January 16 hanggang 20, 2023.
Ipinarating ni WEF Founder at Executive Chairperson Klaus Schwab ang imbitasyon kay Pangulong Marcos sa naganap na breakfast meeting sa Phom Penh, Cambodia.
Ito’y ayon kay Undersecretary Cheloy Garafil, Officer-in-Charge ng Office of the Press Secretary (OPS).
Samantala, sinaluduhan ni Schwab ang Pangulo dahil sa maayos na pamumuno para palakasin ang ekonomiya sa bansa.
Bukod pa rito, hinikayat ni Schwab si PBBM sa WEF dahil sa magandang oportunidad upang makilala ang global business community. —sa panulat ni Jenn Patrolla