Tinitingnan ng Malakanyang ang posibilidad na mapalawig pa ang termino ni Philippine National Police Chief, General Rommel Marbil hanggang matapos ang eleksyon sa Mayo ngayong taon.
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa harap ng mga mungkahi at argumento hinggil dito.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang malakas na argumento na nagsasabing hindi makabubuti sa katatagan ng bansa kung papalitan sa kalagitnan ng panahon ng kampanya at sa nalalapit na eleksyon ang pinuno ng PNP.
Idinagdag pa ng Pangulo, na pinag-aaralan nila ang argumentong ito na nakikita niyang malakas na dahilan para panatilihin muna si General Marbil sa puwesto hangga’t hindi natatapos ang eleksyon.
Si Marbil ay nakatakdang magretiro sa pebrero ngayong taon. - Mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)