Pinuri ni Quezon Representative Reynante Arrogancia ang ginawang pag-apruba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Masagana Rice Industry Development Program o MRIDP na tututok sa kapakanan ng mga magsasaka at magpapataas ng rice production.
Ayon kay Arrogancia, ang Masagana program ay patunay na prayoridad ng pamahalaang Marcos ang sektor ng agrikultura, kabilang ang mga magsasaka ng palay.
Sinabi naman ni Arrogancia na mahalagang alamin ng Department of Agriculture ang mahahalagang detalye para sa implementasyon ng programa.
Nangako rin ang mambabatas na susuportahan nito ang farm consolidation sa pamamagitan ng mga kooperatiba at maging ang aspeto ng mechanization.