Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pondo para sa subsidiya sa bigas ng military personnel.
Ito ang inanunsyo ng pangulo kasabay sa ginanap na pagpupulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Malacañang kamakailan lang.
Ayon kay Pangulong Marcos, prayoridad ng administrasyon ang kanilang pang-araw araw na buhay kaya inaprubahan nito ang funding requirements sa rice subsidy.
Bukod dito, kinumpirma rin niyang aprubado na ang pondo para sa tertiary healthcare sa AFP Medical Center upang magkaroon ng advanced medical services at overall wellness support ang mga sundalo.
Samantala, tiniyak ni Pangulong Marcos ang commitment niyang isulong ang kapakanan ng government troops at taasan ang pondo ng Department of National Defense (DND) para sa 2024.