Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang rekomendasyon ng Inter Agency Task Force (IATF) kaugnay sa isinusulong na boluntaryong pagsusuot ng face mask sa outdoor areas.
Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Atty. Trixie Cruz Angeles kasunod na rin ng isinapubliko nitong Executive Order number 3.
Pero ayon kay Secretary Angeles ang lahat ng non-fully vaccinated na mga senior citizens at immuno compromised ay hindi sakop ng EO number 3 dahil kinakailangan pa rin nila magsuot ng facemask saan man sila magpunta.
Gayundin sa lahat ng pampublikong sasakyan at indoor areas ay kinakailangan pa rin ang pagsusuot ng face mask.
Samantala, pinalawig din ng Palasyo ang state of calamity ng bansa ng tatlong buwan. —sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)