Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na lumikha at bumuo ng mga makabagong pamamaraan upang harapin ang security threats sa bansa.
Ayon kay AFP chief Gen. Romeo Brawner Jr., nagbigay ng direktiba si Pangulong Marcos na i-reconfigure o muling isaayos ang kanilang diskarte sa pagharap sa iba’t ibang banta sa Pilipinas.
Kabilang sa mga itinuturing na banta sa seguridad ng bansa ang communist terrorist groups, local terrorist groups, threat sa West Philippine Sea, at natural disasters.
Samantala, iniulat ni Gen. Brawner na wala nang aktibong New People’s Army (NPA) guerilla fronts. Aniya, binigyan na niya ng kautusan ang commanders na buwagin ang mga natitira dito.