Inatasan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang mga kawani ng Department of Agriculture na makipagtulungan sa Bureau of Custom, Kongreso at Senado laban sa lumalalang smuggling sa bansa.
Ito ay para mabilis na masugpo o mahuli ang mga nasa likod ng mga ipinupuslit na gulay at iligal na pag-aangkat ng iba’t-ibang uri ng agricultural products.
Ayon kay Marcos, kailangang magkaroon ng agarang pagpaplano ang pamahalaan upang matiyak ang suplay ng pagkain at mapanatili sa abot kaya ang presyo ng pagkain para sa mga pilipino hanggang sa katapusan ng taon.
Samanatala, sa naging pahayag ni BOC Spokesperson Atty. Vincent Philip Maronilla, nagpadala na sila ng mga tauhan sa mga pamilihan sa Metro Manila katuwang ang mga tauhan ng DA, upang alisin ang lahat ng smuggled items sa merkado.
Sa pinakahuling datos ng pamahalaan, pumalo na sa halos P200-bilyong halaga ng puslit na agricultural products ang nakumpiska ng mga tauhan ng BOC mula noong 2019.