Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Education (DepEd) na ipagpatuloy ang mga pagsisikap upang bumuti ang ranking ng bansa sa Programme for International Student Assessment (PISA).
Sa ginanap na sectoral meeting sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Marcos na gusto niyang tutukan ng DepEd ang pagbibigay ng proper training programs sa mga guro upang magkaroon sila ng expertise.
Bukod dito, pinapatutukan din ni Pangulong Marcos sa ahensya ang feeding program at ang kaso ng bullying sa sektor ng edukasyon.
Matatandaang nakilahok ang Pilipinas sa computer-based test ng PISA noong 2022 kung saan lumabas na nananatili sa low proficiency level ang mga Pilipinong mag-aaral.