Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang economic team ng administrasyon na bawasan ang red tape sa bansa.
Sa kanyang pagdalo sa inagurasyon ng JG Summit Petrochemicals Manufacturing Complex sa Batangas kamakailan lang, sinabi ni Pangulong Marcos na hadlang ang red tape sa pag-unlad ng Pilipinas.
Ayon sa Pangulo, dapat palakasin ng economic team ang pagbibigay ng insentibo at pagpapadali sa proseso ng pagnenegosyo.
Aniya, hindi dapat pinapatawan ng mataas na buwis ang mga negosyante at sa halip na red tape, red carpet ang dapat maibigay sa local at foreign investors.