Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na isama ang kalinisan sa performance guarantees ng local government units (LGUs) sa pagbibigay ng incentives.
Ayon sa Pangulo, kailangan nang simulan ang kalinisan at kaayusan sa mga komunidad.
Pinaalalahanan din niya ang mga Pilipino na hindi dapat ginagawang basurahan ang mga karagatan dahil sumisira ito sa mga yamang-dagat.
Kaugnay nito, kamakailan lang inilabas ni Pangulong Marcos ang Memorandum Circular No. 41 na nag-uutos sa mga ahensya ng pamahalaan at nanghihimok sa LGUs na ipagdiwang ang Community Development Week.
Maliban sa pagpapanatili ng kalinisan, sakop ng community development ang gawing maayos ang mga barangay kung saan maaaring makapagpalaki ng pamilya at magretiro nang masaya.