Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na tutukan ang high-risk na mga rehiyon sa bansa sa implementasyon ng National Adaptation Plan (NAP).
Sa isang pagpupulong kasama ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), nagbigay rin ng direktiba si Pangulong Marcos na magpatupad ng agresibong information dissemination campaign tungkol sa adaptation plan at sa mga panganib na dulot ng climate change.
Aniya, dapat maintindihan ng mga ahensya ng pamahalaan at mga ordinaryong Pilipino ang nilalaman at layunin ng NAP, gayundin ng Nationally Determined Contribution Implementation Plan (NDCIP).
Dagdag pa ng Pangulo, dapat para sa interes ng bansa, lalo na sa high-risk areas, ang lahat ng gagawing pagsisikap sa ilalim ng NAP at NDCIP.
Kaugnay nito, tiniyak ni DENR Secretary Antonia Yulo-Loyzaga na mayroong ongoing bilateral projects ang ahensya na nakatutok sa adaptation at resilience ng local government units (LGUs).