Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na mahigpit na i-monitor ang mga lugar sa bansa na apektado ng pagbaha at matinding pag-ulan.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), inobliga ni Pangulong Marcos ang NDRRMC na magbigay ng tulong sa mga apektadong LGUs at kanilang mga nasasakupan.
Kahapon, nagtungo sa Misamis Occidental si PBBM para alamin ang kalagayan ng mga residente roon na naapektuhan ng pagbaha kung saan 18,000 pamilya ang apektado.
Sa nasabing pagbisita ay namahagi rin ng tulong ang pangulo kasabay ng pagsasagawa ng situational briefing sa Gingoog City, Misamis Oriental.
Dito iniutos ni PBBM na pabilisin ang pagbibigay ng pondo na nagkakahalaga ng P3-M, para sa pagsasaayos ng mga gusali sa mga paaralan sa probinsya.
Kasama rin sa direktiba ng pangulo ang pagsasaayos ng Department of Public Works and Highways sa mga nasirang imprastruktura at daan.