Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na para sa structural changes ang 2023 nang tanungin kung paano ilarawan ang kasalukuyang taon.
Sa ginanap na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Japan Summit, ipinahayag niyang mahalagang baguhin ang mga polisiya mula sa ekonomiya noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Binigyang-diin din ni Pangulong Marcos na isa sa mga mahahalagang reporma ngayong taon ang pagluwag sa pagtatayo ng mga negosyo at pagbabago sa tax structure.
Matatandaang bumisita ang Pangulo sa Japan kamakailan lang kung saan nakapag-uwi siya ng P14.5 billion worth of investments at 15,750 na dagdag na trabaho para sa mga Pilipino.