Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng ‘Handa Pilipinas’ Visayas Leg opening ceremony sa Tacloban, kasabay ng ika-sampung anibersaryo ng bagyong Yolanda.
Bahagi ang ‘Handa Pilipinas’ sa pagsisikap ng administrasyong Marcos na ipakita ang iba’t ibang disaster risk reduction and management initiatives ng pamahalaan.
Tampok sa nasabing three-day event ang forum kung saan tinalakay ng mga eksperto at resource speakers ang Disaster Risk Reduction and Management technologies na dinevelop ng Department of Science and Technology (DOST).
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Marcos na naging posible ang paglulunsad ng ‘Handa Pilipinas’ dahil sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang stakeholders at partners.
Siniguro rin niyang mananatiling committed ang pamahalaan sa pagsusulong ng disaster resilience ng bansa.
Samantala, inutusan ng Pangulo ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at National Housing Authority (NHA) na bilisan ang pagkakaloob ng housing units at titulo ng lupa sa mga benepisyaryong nakaligtas sa super typhoon Yolanda.