Inimbitahan ni United States (US) President Joe Biden si President Ferdinand Marcos Jr. na magtungo sa White House.
Batay sa ulat iniabot ni US Second Gentleman Douglas Emhoff ang imbitasyon.
Kaugnay nito nauna nang inihayag ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na bibisita ang Pangulo sa US kapag umakma sa iskedyul nito.
Nabatid na si Emhoff ay asawa ni US Vice President Kamala Harris, ay dumalo rin sa inagurasyon ni PBBM nitong nagdaang Huwebes.