Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang pagbabalik ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE) mula sa Department of Trade and Industry (DTI).
Sa inilabas na executive order no.5, ipinag-utos ni PBBM ang paglilipat ng attachment ng TESDA sa ilalim ng DOLE para sa “Policy at Program Coordination.”
Nakasaad sa Seksyon ng 2 ng nasabing EO na ang Secretary of Labor and Employment ang dapat na chairperson ng TESDA board alinsunod sa seksyon 7 ng Republic Act no. 77-96 o ang Technical Education and Skills Development Authority Act of 1994.
Mababatid na ang TESDA ay ang orihinal na attached agency ng DOLE, subalit dahil sa naging kautusan ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte noong October 2018, kung kaya’t inilipat ang TESDA sa DTI.