Magpapadala ang pamahalaan ng generator sets sa mga lalawigan ng Nueva Ecija at Aurora, matapos mawalan doon ng kuryente dahil sa pananalasa ni super typhoon Karding.
Sa isang Twitter post sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sa kanyang gjnawang aerial inspection, napag-alaman niyang wala paring kuryente sa mga lugar na ito.
Kaya naman ayon sa punong ehelutibo, agad niyang inatasan ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na magpadala doon ng gensets.
Kabilang din ani Pang. Marcos Jr. sa patuloy na nararanasang problema ng mga apektadong residente sa Nueva Ecija at Aurora ang kawalan ng suplay ng tubig. – sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)