Another day, another good news! Kamakailan lang, inatasan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang local government units (LGUs) na gawing exempted sa ‘pass-through fees’ ang mga sasakyang may dalang paninda at kalakal. Labis namang ikinatuwa ng mga netizen ang magandang balitang ito.
Alam mo ba kung ano ang magiging epekto ng pagtigil ng koleksyon ng pass-through fees sayo?
Tara, suriin natin yan.
Iniutos ni Pangulong Marcos Jr. ang pagsuspinde ng koleksyon ng pass-through fees sa lahat ng mga sasakyang may dalang produkto at kalakal sa bisa ng Executive Order (EO) No. 41 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong September 25, 2023.
Ang desisyon na ito ay base sa Philippine Development Plan 2023-2028 para masiguro ang efficient movement ng mga produkto sa bansa at muling pasiglahin ang mga lokal na industriya.
Simula ngayon, bawal na mangolekta ang LGUs ng toll fees, market fees, entry fees, sticker fees, discharging fees, delivery fees, Mayor’s permit fees, at iba pa.
Malaki ang epekto ng hindi awtorisadong pangongolekta ng pass-through fees sa transportation at logistics costs. Sino nga ba ang kadalasang nagbabayad dito? Ang mga konsyumer.
Isa ang pagbabayad ng pass-through fees sa mga dahilan kung bakit tumataas ang presyo ng mga produkto at serbisyo.
Ayon sa inilabas na report ng Philippine Statistics Authority noong September 5, 2023, umabot ng 5.3% ang inflation rate ng August. Mas mataas ito kumpara sa record na 4.7% inflation rate last July.
For reference, 2% to 4% ang goal sa inflation rate ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Sa pagsuspinde ng pangongolekta ng pass-through fees, mababawasan ang production cost ng mga paninda at kalakal. In return, bababa rin ang presyo ng mga bilihin na malaking tulong sa mga pangkaraniwang Pilipino. Hangad ni Pangulong Marcos Jr. na kontrolin ang epekto ng inflation rate sa bansa kaya niya ginawa ang aksyong ito.
Bilang pagsunod sa executive order, inatasan ang Department of Interior and Local Government (DILG) na kolektahin ang kopya ng mga ordinansa ng LGUs sa koleksyon ng pass-through fees.
Susuriin ng DILG, pati na rin ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Transportation (DOTr), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Finance (DOF), at Anti-Red Tape Authority ang mga ordinansa kung sumusunod ang mga ito sa Local Government Code.
Bukod sa pagtanggal ng pass-through fees, matatandaang usap-usapan din sa social media ang mahigpit na utos ni Pangulong Marcos Jr. na hulihin ang smugglers at hoarders, pagtutol sa pagbaba ng buwis ng imported rice, at pagtaas ng buying price ng palay sa mga magsasaka. Siniguro rin niya na maraming supply ng bigas ang bansa.
Sa mga ginawang aksyon ni Pangulong Marcos Jr. na pabor sa mga magsasaka at konsyumer, masasabing papunta na tayo sa pagmura ng bigas at pagkain sa Pilipinas.
Ikaw, sang-ayon ka rin bang magiging maganda ang epekto ng utos ni Pangulong Marcos Jr. na gawing exempted sa pass-through fees ang mga sasakyang may dalang produkto?