Matatandaang viral sa social media ang pamimigay ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ng mga nakumpiskang smuggled rice sa mga mahihirap na pamilya. Ngayon naman, ipinangako niyang hindi niya ititigil ang pamamahagi ng nasabat na smuggled rice hangga’t hindi nawawala ang smugglers at hoarders sa Pilipinas.
Nasabat ng Bureau of Customs ang 42,180 sako ng smuggled rice sa isang warehouse sa Brgy. Baliwasan, Zamboanga City noong September 15, 2023. Nagkakahalaga ito ng 42 million pesos. Agad itong i-dinonate sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Noong September 19, 2023 naman, pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr. ang pamimigay ng nakumpiskang smuggled rice sa beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Zamboanga Sibugay. Bawat beneficiary ay nakakuha ng 25 kilos ng bigas.
Hindi lang Zamboanga Sibugay ang nakinabang dito. Naipamahagi na ang smuggled rice sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kabilang na ang Zamboanga City, Cavite, Camarines Sur, Manila, Surigao del Norte, Dinagat Islands, at Taguig.
Sa kanyang speech kasabay ng rice distribution sa San Jose, Dinagat Islands noong September 29, 2023, idiniin ni Pangulong Marcos Jr. na temporary man ang pamimigay ng bigas pero isa ito sa mga hakbang para balansehin at patatagin ang presyo ng bigas sa merkado.
Genius move ang aksyong ito ni Pangulong Marcos Jr. para kay Bicol Saro Party-list Representative Brian Raymund Yamsuan. Sa isang pahayag noong September 20, 2023, sinabi niya na binigyan ng Pangulo ng bitter at expensive lesson ang smugglers at hoarders. Sa pagmimigay ng smuggled rice, hindi na mare-recover ang investment ng mga mapagsamantalang smugglers at hoarders na tinawag ni Pangulong Marcos Jr. na bukbok. Nawawalan ng purpose ang mga gahamang bukbok na ipagpatuloy ang ilegal nilang gawain dahil wala naman silang napapakinabangan sa pamimigay nang libre sa mga ipinuslit at inimbak na bigas.
Para sa Pangulo, unacceptable at walang lugar sa Bagong Pilipinas ang mga nananabotahe ng ekonomiya. Nitong October 4, 2023 nga lang, inanunsyo niya na mayroon nang nahuling rice traders na nahaharap sa patong-patong na kaso, kasunod ng pag-anunsyo niya ng paggamit ng kamay na bakal laban sa smugglers at hoarders. Ika nga, may nasampolan na. Hangga’t hindi nawawala ang mga nanabotahe ng ekonomiya ng bansa, makakaasa tayong nariyan pa rin ang suporta at tulong ni Pangulong Marcos Jr. sa mga lubos na nangangailangan.