Kinilala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga magsasaka at mangingisda bilang mga bayani ng bansa.
Ito ay dahil sa kanilang ginampanang tungkulin para sa mga pilipino sa gitna ng pandemiya at pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
Sa pagbubukas ng Agri Exhibit 2022 sa World Trade Center, sinabi ng punong ehekutibo na kabayanihan ang ipinakitang sipag ng mga magsasaka at mangingisda upang umunlad ang bayan at muling makabangon ang ekonomiya ng Pilipinas.
Sinabi ng pangulo na nakapamahagi na ang gobyerno ng iba’t-ibang tulong para suklian ang paghihirap ng mga mangingisda at magsasaka.
Kabilang sa kanilang ipinaabot ang financial assistance at fuel discount program na umabot na sa tatlong daan at dalawampung milyong piso.
Naipamigay narin ng pamahalaan ang quick response fund siya namang tumulonkg sa mga magsasaka at mangingisdang naging biktima ng kalamidad gaya ng bagyo.
Sa kabuuang bilang, umabot na sa P1.54 billion na pondo ang nailabas na ng gobyerno para sa 17 million na beneficiaries sa sektor ng agrikultura.